First you need of course ay mga rekados:
Isdang MALAGA - Should be either fried or grilled. I personally prefer grilled. Mas malasa kasi kapag grilled. But for this time fried lang muna. Naubusan kasi ng uling sa tindahan. Hmpf. Hindi daw nagdeliver si mamang mag uuling kaya ganyan.
Then samu't saring gulayloo! Mga pinulot ko lang yan sa bukid courtesy of some hot native farmers. Hihihi. Yes mga mami, ganda lang pinambayad ko diyan. Chos!
As usual, linisin of course ang mga gulay at ihanda ng maayos. Sa magtatanong kung anu yung nasa diamond shape na plate eh home made bagoong isda po yan.
Magpakulo ng 3 cups of water kasama ang luya, sibuyas at kamatis.
Ilagay ang bagoong na hindi kasama ang laman. How to do it? Lagyan ng pinagkuluan sa mismong bagoong at ihulog ang sabaw. Do this at least 3 times. Tapos lutuin ang bagoong nang mabuti. Why? Para di maging malansa ang dinengdeng niyo noh. You may cook the bagoong about 2-3minutes.
Then put the kamote. Matigas ang gulay/bulb na itey so dapat sure ka ng luto ito bago ka magproceed sa iba pang rekados.
Then put the fried Malaga. Pakuluan ng 1 minuto.
Then put the talong (gulay and not otherwise). Dapat sabay lang sana sila ng okra kaso hindi ako mahilig sa talong (gulay and not otherwise). So kapag ako nagluluto, inuuna ko sya ilagay para maluto siyang maigi. BWAHAHAHA!
Ilagay ang okra.
Lutuin ang gulay and then VOILA! Tapos na ang Dinengdeng ala BP.
KAINAN NAH!
0 comments:
Post a Comment