Silent Goodbye.
Three weeks ago nag-krus ang landas namin ni Bistro. I was invited sa birthday ng isang friend namin na malapit lang sa balur nila.
He was also there.
Based sa reaction niya nung nagkita kami, I know he wanted to talk to me. Pero since madaming matang nakapaligid, hindi siya makaporma.
During kainan, tahimik lang akong nakikisalo sa mga kakilala ko. Until one of them blurted out, "Di ba si Bistro yun?". Napatingin kaming lahat sa direksiyong itinuro pero sa sulok ng aking mata nakita kong nakatingin sa akin ang aming host.
"Yup. Di ba type mo yun?", sabi naman ng isa pang friend.
"Oo, bayaw ko yun. Asawa ng insan ko, kaya huwag niyo na siyang pangarapin.", sabi naman ng aming host. Nagtawanan lang ang lahat at tuloy ang huntahan at kainan.
"Boss, may sasabihin ako sayo. Doon tayo.", bulong sakin ng host. Tumayo kami, nag excuse sa mga ka-table at lumayo sa kanila.
"Boss, may sasabihin ako sayo at gusto ko huwag ka munang mag react sa mga sasabihin ko.", pauna ng bday celebrant. Tumango lang ako ng tahimik pero parang alam ko na kung ano ang sasabihin nya sa akin.
"Boss, alam mo bang maraming nagbago kay Bistro magmula noong pinakilala ko kayo sa isa't isa sa bday ni insang J? Hindi ko na pinuna yun. Pero nung December nahuli si Bistro ng asawa niya na may sinasabihan siya ng aylabyu sa cp niya. Nag-away silang mag asawa at sinira ng asawa niya ang cellphone nya. Malakas ang kutob ko na sayo nag aaylabyu si Bistro, Boss.".
Katahimikan.
"O bakit hindi ka nagrereact diyan?", biglaang sabi ng bday celebrant.
"E sabi mo huwag akong magreact sa mga sasabihin mo eh.", sagot ko.
"Buang ka talaga!", Sabay tawa. "Pero gusto ko marinig sayo ngayon kung totoo ba ang hinala ko o hinde.", paseryosong tanong ng bday celebrant.
"Sigurado akong hindi ako yun. Hinde po kami.", maikling sagot ko naman.
"Eh kung hindi ikaw yun, kanino kaya nag aaylabyu ang Bistro na yun?", tanong ulet ng bday celebrant.
"Aba malay ko?", sagot ko at saka inayang bumalik na kami sa table namin.
Hindi na ako nag usisa kung paano sya nahuli ng asawa nya. Hindi na ako nagtanong kung ano ang aftermath ng pagkakahuli niyang yun. Kunwari hindi ako interesado. Mahirap na, baka lalo lamang akong mabuko.
Pagkatapos ng celebration, lahat ng cousin ng celebrant na may sasakyan ay nagvolunteer na i-drive pauwi ang mga walang sasakyan (kasi nasa liblib na bundok nanaman kami, wala ng masasakyan nung time na yun at wala naman akong sasakyan). Isa si Bistro sa mga may motorcycle. Tinawag nya ako casually na sumakay na sa kanya but I declined and opted to ride sa back ng isang cousin ng bday celebrant.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment