Kinabukasan after ng encounter namin ni Mitchel (mababasa ang entry about kay Mitchel dito), tinawag ako ng ate niya sa kadahilanang hindi ko alam.
Ang bakla naman ay aligagang pumunta sa bahay nila only to find out na need lang daw nila ng kalabaw na maghahatid sa kanila ng jowa niya sa bayan.
Nalokah ako. Ginawa akong barker ng kalabaw.
Nung pasakay na kami ulet sa kalabaw, sabi ni ate eh maiwan na lamang daw ako dun sa balur nila. Andun daw si Mitchel, mag isa lang niya.
Ang bakla naman ay nasexcited. Umagree, at feeling blessed na tinanaw na lamang ang kalabaw na papalayo.
Pagdating ko sa balur nila Mitchel, may naaninag akong sumilip sa kanilang bintana pero bigla ring nawala. Hindi ko pinansin.
Pagdating ko sa door nila, kumatok ako.
Walang sumasagot.
Katok ulet ang bakla.
Wala pa ring sagot.
Sinubukang buksan ang pinto. Abah bumukas! And since invited naman ako ni ate, pumasok na rin ako.
Tawag dito, tawag doon ng name ni Mitchel, wala pa rin sagot.
Sinubukan kong buksan ang isang pinto.
BULAGA!
Letseng Mitchel, nagtatago lang pala sa likod ng pinto.
Base sa nakita kong pagtanggap nya sa akin, i know something is wrong. So I asked him ano ginagawa nya sa pinto. Sabi niya wala.
Hindi ako nakuntento sa sagot nya, tinanong ko sya ulet kung may problema ba. Sabi niya wala.
Hindi pa rin ako nakuntento, tinanong ko sya ulet kung nagsisisi ba siya sa nangyari samin kagabi. Sagot nya OO.
Ngumiti ako, nagpaalam at saka umalis.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment