Friday, July 26, 2013

Junior: July 2013 Birthday Boy

I have already posted before that lucky are our sisters na parlolistas dahil sila talaga ang namamayagpag sa mga probinsiya. Madalas, marami pa ring patago pagdating sa ating mga lupang sinilangan, nakakapagladlad lamang kung nagtatrabaho na sa ibayong lugar. Well, hindi niyo naman masisisi ang mga discreet dahil pinahahalagahan lamang nila ang mga pangalan na kakambal na ng pamilya nila.

Siguro may suwerte lang ako dahil maski hindi ko hinahanap, may mga guys pa ring lumalapit sakin. CHOS! Even ako ay sobrang nagtataka bakit nga ba maraming pagkakataon kong naeencounter na meron at merong magiging tulay for me para makakilala ng mga otoko.

I have already mentioned one parlolista friend here before. At talaga namang kung saan saan niya ako dinadala. Lately, I've met a group of cousins through her sa isang liblib na lugar. They are all gay friendly and too gay accomodating. Sa grupo ng magpipinsan na ito, I came to like a few; Junior, Jun, Mac, Ed and Ty (all names were changed for their privacy.)

Heto pala si Junior.



FLASHBACK!
Last July 12, I was called by the diwata of their place. May inuman daw. Apparently, bday ni Junior. So ako naman mega gow ang peg ko. Bday daw eh, nasayangan ako sa fuds. Haha. PG-ng PG lang ang dating ko.

Suot suot ang aking blusang itim, dumating ako sa lugar. So mega inuman na pala ang mga boylet that time. Kasama pa nila ang mga katrabaho nila sa isang constru site. Namersmerized ako, hondaming pawisang lalaki. Super glistening pa mga pumuputok nilang muscles dahil kagagaling lang pala nila ng work nila.

During the inuman I was treated like a queen. Kakalokah ang mga nods and smiles nila. Somehow double meaning. But 'not yet boys', bulong ko sa sarili ko. I have to make courtesy call na muna. Go ako kay madam Diwata at inabot ang aking alay, isang litrong empi at isang supot ng boy bawang. Kaso di niya tinanggap. Di daw kasi siya ang magbibirthday. So tinawag niya si Junior.

Pagkabati, beso-beso at abot ko kay Junior ng empi at boy bawang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Pinisil ng bahagya. Akala ko i-kikiss niya ako. Pero bigla na lang niya akong hinila. Ipinakilala nya ako sa parents nya.

"Tatang, Inang, heto po si J**. Girlfriend ko po." sabay akbay sakin ni Junior.

Nawindang lang ako. Speechless. Namula. Kulang na lang eh matunaw ako sa hiya habang kinakamayan ko parents niya. "Anubeh! Tong macho kong gumalaw GIRLFRIEND pa talaga pagpapakilala nya sakin. Wait. Humandah ka mamaya sakin." nabulong ko na lang sa sarili ko.

Pagkatalikod namin at nung natantiya kong malayo na kami sa parents niya siniko ko siya. "Hoy! Anung girlfriend ang sinasabi mo dun?"

"Ha? Sorry naman kung nabigla kita. Eh parang ganun kasi dating mo sakin eh." sabi habang nagkakamot ng ulo.

"Hay naku! Pag usapan natin iyan pagkatapos ng inuman. Pasalamat ka bday mo. Hmpf" Ismid ko. Tumawa na lamang siya.

So mega inum na ang lahat. Masaya ang birthday. Lahat umiinom habang namumulutan ng dinuguang pato, soup #5, dinakdakan at mga chichirya.

Kalagitnaan ng inuman nung naiihi ako. Mega excuse ako sa mga kaharap ko at tumungo sa Golden Banyo nila Junior, sa likod ng puno ng mangga sa likod ng bahay nila. Habang nagbababa ako ng aking miniskirt, biglang lumitaw si Jun sa likuran ko.

"Andito ka pala." sabi niya.

"Yup. Naiihi na ako eh." sagot ko sabay ayos ng aking miniskirt.

"Lasing ka na ba?" tanong niya.

"Di pa naman." sagot ko.

"Dinig ko kayo na daw ni Junior. Kayo na ba?" malungkot nyang tanong. Mega gulat ako sa tanong niya. Pero keep cool lang din drama ko.

"Naku, di yun totoo. Alam mo namang joker un." sagot ko.

"Paano na ako?" tanong nya ulet. Nagulat nanaman ako. Naloka talaga ako sa tanong nya.

"Haha. Anong ikaw? Bakit ikaw? Di kita maintindihan." patawa at maang maangan kong sagot sa kanya.

"Alam kong birthday ni Junior ngayon, sige pag usapan natin ito sa ibang araw. Sa ngayon magbibigay na muna ako." Iyon lang at umalis na siya.

Pagbalik ko sa inuman andun na si Jun. Masayang nakikipagkuwentuhan sa mga kainuman namin na parang wala lang nangyaring drama samin.

Natapos na ang inuman, umuwi na halos ang lahat except for me, ang Diwata, si Junior at ang family niya. Nagpapaalam na ako kay Diwata at sa parents ni Junior. Dahil medyo senglot na rin ako. Lalakad pa kasi ako ng tatlong bundok para lang makauwi. Nagprisinta ang tatay ni Junior na ihatid ako pero pinigilan siya ng asawa niya. Lasing na raw kasi. So si Junior na lang daw maghahatid sakin.

Nasa lubak lubak na daan na kami noon nung inihinto nya ang motor niya sa gitna ng fields.

"O bakit tayo tumigil? May problema ba? Wag mong patayin ang makina lintik BUKID ITO! BAKA MANUNU TAYO!" medyo papanik kong sabi.

"Hehe, wag ka mag alala ako bahala sayo." sabi niya habang pababa siya ng sasakyan.

"Ano ba gagawin natin dito?" Tanong ko ulet na medyo natatakot. Kasi naman ang daming kuwento ng mga kababalaghan sa bukid kaya iyon agad naisip ko.

"Gusto ko lang sanang magpasalamat sayo kasi dumating ka ngayong birthday ko. Akala ko nga di ka na darating kasi nag umpisa na kami'y wala ka pa." Sabay halik sa labi ko. Hindi ako nakaimik, hinayaan ko na lang siya sa trip nya. To be honest? Nag-enjoy ako. Medyo virginal ang peg ng halik nya. Sloppy but sincere.

"Para saan yun?" tanong ko.

"Di ba gf kita?" sabi niya. "Patutunayan ko sayo na totoo sakin yung pagpapakilala ko sayo sa inang at tatang ko." Sumakay na ulet siya ng motor.

"Huy! Hindi pa ako umuoo sayo ah! At saka nanligaw ka ba? At ano ba pinaplano mo ngayon ha?" sunod sunod kong tanong.

"Basta akong bahala. Iyakap mo nga kamay mo sa bewang ko. Di kita nararamdaman diyan sa likod eh." sabi niya sabay hila sa dalawang kamay ko at iniyakap niya mga ito sa bewang niya. At nagpaharurot ng motor patungo sa pinakamalapit na motel.

1 comments:

 

Copyright © An Ex-Bossing. Design by Free CSS Templates | Blogger Theme by BTDesigner | Powered by Blogger