Sunday, August 4, 2013

Jun: A Failed Attempt Part I

Two days after Junior's birthday inuman, nagtext si Jun.



At talagang ginawa ko pa siyang status sa peysbuk.

FLASHBACK:
Masayang masaya ang lahat habang nag-iinuman. Kanya-kanyang kuwento ng mga nakakatawa at nakatutuwang mga pangyayari sa buhay nila. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, may dalawang pares ng mga matang nag-uusap. Ang isa ay nagsusumamo habang ang isa naman ay nalilito.

Bago pa matapos ang inuman, biglang tumabi si Jun sakin. Bumulong. "Sabay ka sakin. Uwi na tayo. Ihahatid na kita".

Gustuhin ko man, pero parang hindi pa ako makaalis ng hindi ko napapatapos ang inuman. "Sige Jun. Mauna ka na. Andito pa kasi si Diwata eh. Nakakahiya naman na iwanan ko siya. Next time mo na lang siguro ako ihatid Jun".

Halos paangas siyang sumagot, "Si Diwata ba ang di mo maiwan o si Junior."

Bigla kong napisil ang hita niya, "Shhh. Boses mo. Marinig ka."

Bumulong din siya, "Natatakot ka ba sa 'boyfriend' mo?". May diin sa pagkakabanggit niya ng salitang boyfriend.

Sumagot ako, "Hindi nga kami. Okay? Alam mo namang joker yun. Pinapatulan mo pa. At saka ito nga tanong ko sayo, tayo ba?"

Lumapit siya sa tenga ko at bumulong, "Gusto ko maging tayo. Ako ba gusto mo?"

Sumagot ako, "Makapagsalita ka naman para kang walang kang asawa ah."

Hindi siya nakaimik ng ilang sandali. "Hindi pa kami kasal. Sige, mag usap na lang tayo sa ibang araw. Uwi na ako." Sabay paalam na siya sa mga kaharap namin at mabilis na umalis.

FASTFORWARD:
Hindi ko siya actually sinagot sa text niyang iyon. Inignore ko lang. Sa tingin ko puro drama lang kasi aabutan ko sa birthday na yun. Kaya di ko binalak pang pumunta. Pero makulit siya. Habang lumalapit ang araw ng Biyernes. Iba't ibang number ang naglitawan sa celpown kong N3210. Since di ko kilala ang mga number, natural na magtanong ako kung sino sila. Late ko na lang malalaman na si Jun pala ang nagtetext.

"Bakit kapag ako nagtext di ka sumasagot pero kapag ibang number sumasagot ka naman?" Text niya a day before Friday.

"Eh kasi busy ako kaya di pa kita maharap itext. Akala ko kasi mga kamag-anak ko nagtext kaya tinetext ko mga number na bago. Kanino bang mga number yung ginagamit mo?" Textback ko.

"Sa pinsan ko, kapatid at bayaw ko. Paano, hintayin na lang kita sa Friday ha?" Text niya ulet.

"O sige, tignan ko na lang kung wala akong lakad. Pasundo nalang ako sayo kapag pupunta ako." Textback ko.

"Hihintayin kita. Huwag kang mawawala. Ako susundo at maghahatid sayo pauwi." Text niya ulet. At di na ako sumagot.

Hay! ANG KULET!



Come Friday, umaga pa lang nagtext na siya. Di ako sumagot. Lunch, text ulit siya. Deadma pa rin ako. Hapon, text at miskol na ginagawa nya at sinama pa ang pinsan, kapatid at bayaw niya sa pangungulit sakin. Deadma pa rin. Hanggang sa nastruck ako sa huling text niya, "Asan ka na? Bakit di mo ako pinapansin? Basta dito lang ako antayin kita maski anong oras ka dumating."

Its not everyday that I get the chance to meet people who would actually wait for me. Usually, ako ang parating naghihintay. Madalas on-time ako parati sa mga usapan. At madalas din naghihintay ako ng kung ilang oras para sa mga taong sa tingin ko ay mahalaga sakin. Minsan nasubukan kong maghintay ng kung ilang taon sa isang tao para lang mapansin niya ako. Kaso sa iba siya parati nakatingin. Kaya hayun, iniwan ko na rin ang puso ko sa kanya, yung puso ko na lang muna pinaghintay ko kasi yung katawang lupa ko eh naglandi na muna.

Heniwi, base na rin sa mga diwatang chismosang friends sa peysbuk. Gora na daw ako. Wag daw matakot. Magdala daw ako ng madaming lube. Eh di GORAH! Okay, payn! Bihis na nga eh. So sa madaling sabi, pumunta ako.

To be continued...

1 comments:

  1. ay wagi ito! ikaw na tlga ang pinag aagawan.. inggit much lang ang peg.. sana ako din.. baka xa na ang true luv mo? waaaaa inggitera lng? hahaha

    xciting next prt2! :D

    ReplyDelete

 

Copyright © An Ex-Bossing. Design by Free CSS Templates | Blogger Theme by BTDesigner | Powered by Blogger