Monday, August 12, 2013

Jun: A Failed Attempt Part II

Para sa mga hindi nakasubaybay, pwede niyong makita ang Part I DITO.
==========

Lumarga na nga ako papunta sa lugar nila Jun. Pagdating sa gubat na iyon, dumiretso muna ako sa Mahal na Diwata (MND). Mahirap na at baka sabihin niyang bina-bypass ko ang kanyang authority. At saka never din ako gumala sa isang lugar na di naaabisuhan ang tigabantay kasi this serves as my protection to any unpleasant things that might come. Kumbaga sa lugar na kung tutuusin ay stranger ka, mahihiya ang mga hayop na gumawa ng kalokohan sayo if makita nila na isa kang bisita.

Pagdating kay MND, pleasantries were exchanged of course. Nagtagal ng 20 minutes ang courtesy call. Exchange of updates saka nakinig na rin ng mga latest na balita. Super tsismosa ng MND, lahat na lang ng mga otokong dumaan sa harapan namin ay dinescribe ang cock size through hand gestures! At hindi din nawala ang mga side notes niya sa bawat isa: ohm = straight na lalaki; pam = pamintang durog; beks = bakla din; aray = must taste. Hodevah! Kumusta naman ang mga codes namin?

Ini-engganyo rin ako ng MND na i-check ko daw mga new found subjects nya to which I respectfully declined. I have a schedule to keep kasi. So with MND in tow, lumarga ang dalawang beauties sa kasukalan. Actually maulan noon nung nagpunta ako. Super mafutek ang kalupaan. Nakakalokah! Parang bloated na fekfek lang ang peg, super basa na nga pero pashower shower pa rin ang ulan.

Nang nakarating na kami kina Jun, tinawag ko name niya sa gitna ng ulan. 'Jun! Asan ka, -ka, -ka, -ka... Andito na ako, -ko, -ko, -ko...', kumusta naman, naaliw lang ako sa echo. Sa ikalawang pagtawag ko, 'Jun! Asa - AY FUTEK!', biglang na out of focus ang tingin ko, nabitawan ko ang maganda kong payong, napahawak sa pinakamalapit na makakapitan, at biglang napaupo. XET! Nadulas ang lolah nyo! Futek na ulan yan! Lumingon ako bigla sa paligid. Walang mga hayop maliban kay MND na nagpipigil ng tawa. Sarap batukan ng MND na to. Unti unti akong tumayo, kinompose ang sarili at nagcheck na rin ng damage sa suot kong gown. Buti nalang sa batuhan ako nadulas, at least hindi ako naputikan. Nakakalokah!

So dumiretso na lang kami ulet sa bahay ni Jun at kumatok. Linabas kami ng bunsong kapatid ni Jun and we found out na hindi daw doon yung party. Need pa raw namin magpunta sa house ng cousin nila. And as per instruction need daw naming bumalik, turn left, then straight, another left at tumawid sa ikalawang ilog. AY! LETSE TONG GABING TOH! PARANG GUSTO KO NA MAG BACK OUT! At uuwi na sana talaga ako kungdi lang ako hinila hila ni MND.

Gorah ulet ang dalawang beauties papunta sa venue. Nasa 3/4 na siguro kami ng way nang nasalubong namin si Jun. Nakangisi ang loko. Hindi ko alam kung gutom lang ba siya or napapraning lang. So mega hinto kami kung saan siya nakatayo. Pagkalapit, pinauna na niya si MND sa venue, sunod na lang daw kami. Noong nakalayo na si MND nag-usap naman kami ni Jun.

'O ano pa ginagawa natin dito? Di na lang tayo nagsabay nila MND.'

'Wala naman, natutuwa lang ako kasi dumating ka. Kala ko kasi di ka darating.', sagot niya nakangisi pa rin ang mokong.

'Eh andito na ako. Tara nah.', umakma na akong maglakad ulet. Nang bigla niya hinawakan ang kaliwang kamay ko. Napahinto ako saglit, pero parang alam ko na rin kung ano ang gagawin niya at hindi na ako nagpapigil. 'O ano pa ginagawa mo diyan? Tara na at naghihintay na mga kasama natin. Baka maubusan tayo ng alak.' pajoke kong sabi.

At para rin siyang nahimasmasan sa sinabi ko, 'Tara na nga.' nasambit na lamang niya.

Pagdating namin sa bahay ng pinsan niya, konti na lang ang tao. Well, hapon daw ginanap ang para sa kainan ng mga bata at puro mga bagets na lang ang naiwan para sa inuman. Hinagilap na agad ng aking mga mata si Junior. Mostly ng mga cousins nila ay andun pero wala akong Junior na makita. Napansin ko rin na wala rin ang kapatid ni Junior. I smell a conspiracy!

Nom-nom-nom-nom. Hayun Nag iinuman na rin kami sa wakas. Gin lang at tubig na malamig ang inumin pero lahat masaya. Nagkukuwentuhan ng kung ano ano. Nag-aasaran. Medyo tamed lang ang naging drama ko that night. Pero si Jun medyo agresibo. Katabi ko si Jun. Feeling ko binakuran talaga niya ako. Nakaharap sa mesa ang posisyon ko, pero si Jun pinagitna nya ako sa dalawang hita niya saking left side, meaning nakaharap siya sakin. Madalas niyang hagurin ang likod ko. May mga padaplis daplis ng tuhod. Pasadyang pahaplos sa kamay kapag inaabot ang tagay ko. At madalas kung kausapin niya ako puro pabulong sa kaliwang tenga ko. Medyo asar nga eh. Alam kong may mga ibig sabihin na tingin sakin ng mga pinsan niya. Pero wala ako magawa, ayaw ko namang mag iskandalo. Birthday ipinunta ko dun di naman bugbugan. #feelingvirginal lang ang peg! hehe.

Si MND at around 10pm ay nagpaalam na agad. May booking ang bakla sa jowa jowaan niyang kargador sa plaza. Sumasama na ako para makapag pahinga na rin ako kaso si Jun pinigilan ako dahil siya daw maghahatid sakin pauwi at dala na rin siguro ng nainum, nagpatianod na lang ako sa agos. Nang naubos ang dalawang Gin litro na inumin namin, hinde pa kuntento ang magpipinsan. Hayun, lumabas na kami ng haus ng pinsan nila at nagpunta kami sa tindahan ng isang tiyuhin nila.

Pagdating sa tindahan, si tiyo ay super ready na. In 1 minute nai-ready agad ni tiyo ang pag-iinuman namin. Complete with electric fan pa na sadyang ikinalokah ko nanaman! Gusto ko ngang itanong sa kanila kung gusto na ba nila mamatay kami sa pulmonya eh. Hong lamig lamig na nga lang ng paligid may electric fan pa?

Nom-nom-nom-nom. Inuman nanaman ang mga lasenggo. Tawanan, kwentuhan at asaran pa. At ganun pa rin ang posisyon ni Jun. Nakakalahati pa lang kami ng iniinom ng biglang may humahangos na dumating sa pinag iinuman namin. Nagulat ang lahat pero mas nagulat ako. Si Junior ang dumating, nakatingin siya sa akin at nakatingin rin ako sa kanya. Pero sandali lang yun. Dahil bigla siyang pinalibutan ng mga pinsan nila. Si Junior ay may dugo sa labi at sa ilong. Putok din ang labi niya, gulo gulo ang buhok at may punit ang damit. Binugbog daw siya ng kapitbahay niyang kainuman nila at kaya siya andun ay para humingi ng resbak. Paalis na sila at tatayo na rin sana ako para sumama pero pinigilan ako Jun. Huwag daw akong aalis at ibinilin na niya ako sa tiyo nila.

Wala na lang akong nagawa at naupo. Ang siste, yung tiyahin nila ang kinainuman ko. 30minutes na ang lumipas, naubos na naming dalawa yung natira sa alak pero di pa rin sila bumabalik. Sa pagtantiya ko, baka matagalan pa sila. Buti na lang dumating bigla si mamang magbabalut at sa kanya namin nasagap ang balita na nasa barangay hall na pala sila. Nagdecide na ako na umalis na, nagpaalam at nagpasama kay mamang magbabalut sa barangay hall.

Habang tinatahak namin ang daan nasa kalagitnaan ako ng pag iisip. Naiisip ko kung ano ang iniisip sakin ngayon ni Junior ngayon at kung bakit sa ibang lugar siya nakipag inuman eh may inuman naman sa pinsan niya. Habang nagkakalkula ako ng mga pangyayari, biglang na out of focus nanaman ang tingin ko, nabitawan ko ang maganda kong payong, napahawak sa pinakamalapit na makakapitan, at biglang napaupo. XET! Nadulas naman AKO! AAAAAAHHHHHH!!!!! THIS IS NOT MY NIGHT!!! Napatakbo na lang si mamang magbabalut para asistahan ako. Pero alam ko nagpipigil din ng tawa ang mokong na yun. Nakakalokah! Buti nalang walang ibang nakakita!

Pagdating sa barangay hall nagkakagulo ang dalawang panig dun. Mahaba at masinsinan ang usapin nila. Pero ang mas madrama ng mga oras na iyon ay ako. Nakita ko si Junior at si Jun na halos magkatabi lang. Nakikipagdiskusyon sa mga barangay tanod. Sa totoo lang, mas gusto ko ang ugali ni Junior mas tahimik lang kung dumiskarte. Pero di ko rin naman maikakaila na nag eenjoy din ako sa atensiyon na ibinibigay sakin ni Jun. Pagdating sa hitsura at appeal, lamang din ng malayo si Jun PERO pagdating naman ag pagbibigay ng sarili si Junior ang lamang. Bakit nga ba yung pusang gala na naglalakad eh kulay pink? Saka yung asong kabuntot niya eh tumatawa? Xet lasing na ako. Kaya kesa sumakit pa ang ulo ko sa pag iisip, nagdecide na akong umuwi ng di nagpapaalam sa kanino man sa kanila. Tama lang yun, para iwas hassle.

Heto pala si Jun.

Dalawang linggo na rin ang nakaraan actually since nangyari ito. Sa totoo lang si Jun lang ang nakakatext ko kasi si Junior ay walang hilig sa cellphone. Sa sitwasyon naming tatlo ngayon, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa next na punta ko sa lugar nila. Hay. Sana lang... Sana lang...

2 comments:

  1. wala bang like botton? super like eh hehehe

    unlike na din for 2x nadulas hehehe :P

    ReplyDelete
  2. ikr andrew. super kaloka talaga madulas.

    ReplyDelete

 

Copyright © An Ex-Bossing. Design by Free CSS Templates | Blogger Theme by BTDesigner | Powered by Blogger